Hinangaan ng mga netizen ang isang 42 taong gulang na ginang matapos itong makapagtapos ng kindergarten sa isang paaralan sa Tuguegarao City, Cagayan.

Ayon sa ulat, ang naturang ginang ay nakilalang si Remilyn Dimla na nagtatrabaho bilang maintenance staff sa Tuguegarao East Central School (TECS) kung saan nag-aaral naman ng Grade 1 ang anak.

Flinex ng isa sa mga gurong si "Jerald Melad" ang mga litrato ni Remilyn habang nakasuot ng school uniform.

"Indeed age doesn’t matter"

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

"Parent x Janitress x Learner"

"Meet our 42 year old kinder completer," caption ni Teacher Jerald sa kaniyang Facebook post.

Mga larawan mula sa FB ni Jerald Melad

Napansin daw ng mga guro na nahihirapan siyang isulat ang pangalan sa talaan sa tuwing kukuha siya ng modules ng anak. Dito ay inamin niyang hindi siya nakapag-aral man lamang kahit kindergarten.

Mismong pamunuan ng pinaglilingkurang paaralan ang nagtulak sa kaniya upang magtapos ng pag-aaral, at simulan ito sa kindergarten level.

Ani Dimla, pagsusumikapan daw niyang makatapos ng pag-aaral hanggang kolehiyo upang maipagmalaki raw siya ng kaniyang pamilya.

Sey ng mga netizen, pinatunayan daw ni Remilyn na walang imposible at walang edad pagdating sa pagtatamo ng edukasyon.

Sa ngayon ay nakapagsusulat at nakababasa na si Remilyn nang paunti-unti.

Sa Bulacan naman, isang tatay na janitor din ang nakapagtapos naman ng Senior High School, sa tulong din ng paaralang pinapasukan.

MAKI-BALITA: ‘Like father, like daughter!’ Mag-ama, sabay na naka-graduate sa Senior High School

Congrats, Remilyn!

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!