Naantig ang damdamin ng mga netizen sa isang Facebook post kung saan makikita ang isang may edad na lalaki na naglalako ng kaniyang mga panindang snacks sa mga pasahero ng pampublikong sasakyan.

Kapansin-pansing nakasabit sa kaniyang damit ang ilang mga nakasupot na paninda gaya ng candies, chewing gums, biscuits, crackers, at sigarilyo. Ang ilan ay hawak niya sa kaniyang mga kamay.

"Tuloy mo lang ang negosyo mo. Maliit man, nagsisimula ka pa lang naman, at kahit walang sumusuporta sa'yo. Dahil sa mundo ay mayroong mga taong kailangan ng isang katulad mo," caption ng netizen na si Don Berto Stainless Bracket.

Nabagbag ang damdamin ng mga netizen lalo na't ginugunita at ipinagdiriwang ngayong araw ng Linggo, Hunyo 18, ang "Father's Day."

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

"Sana makakita ako ng mga ganitong tao... para kahit papaano makabigay ako kahit konti, pandagdag-puhunan ni Tatay, sarap kasing tulungan ang mga taong nagsusumikap sa buhay. Salute you, Tatay!"

"Sipag naman po ni Tatay kahit matanda na naghahanap-buhay pa rin siya."

"Keep up the good work! God bless sa'yo Tatay, take care always, I'm so proud you!"

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 132k reactions, 4.2k shares, at 924 comments ang naturang viral FB post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter .