Isinulong nina ACT-CIS Party-list Rep. Jocelyn Tulfo at Quezon City 2nd district Rep. Ralph Tulfo ang House Bill No.8446 o ang Anti-Bullying in the Workplace Act na naglalayon umanong wakasan ang bullying sa opisina, na inilarawan nila bilang isang matagal nang problema.

Ayon sa ACT-CIS Party-list lawmaker, matagal nang issue ang bullying sa trabaho at hindi lamang umano ito napapansin dahil “iniisip ng iba okay lang ‘yung ginagawa nila.”

"In fact, yung mga bosses mismo wala silang pakialam sa nararamdaman ng kaopisina nila, sila pa ang nangunguna sa pambubully," anang mambabatas.

"They often disguise insults and harassment of their officemate in the form of 'jokes' or 'friendly banter' without being sensitive about the victim’s emotions,” dagdag niya.

National

Romualdez, inalala dedikasyon ni Lagman para sa ‘human rights, good governance, social justice’

Sa ilalim ng HB No.8446, ang pambu-bully sa opisina ay inilalarawan bilang anumang malubha o paulit-ulit na paggamit ng isa o higit pang empleyado ng written verbal, o electronic expression o physical act o gesture, o anumang kumbinasyon nito, na nakadirekta sa isang employer, empleyado, o anumang mga taong mayroong propesyonal na relasyon o pakikitungo.

“Adopting policies against bullying in the workplace would ensure every Filipino worker’s right to just and humane working conditions, mutual respect amongst employees and their employers, and dignity in their work will be observed,” saad ng mga may-akda ng panukala.

Bukod sa physical at verbal harm, ang bullying ay kinabibilangan umano ng mga kilos ng pagpapakalat ng mga tsismis o maling balita at impormasyon, tsismis tungkol sa, o anumang iba pang aksyon laban o itinuro laban sa isang empleyo, katrabaho, o ibang indibidwal na may mga propesyonal na relasyon o pakikitungo.

Itinuturing din umanong anyo ng bullying ang credit-stealing at pagpigil sa isa sa pag-access ng workplace, career, o mga oportunidad sa opisina.

Ayon sa lady solon, kadalasang ginagawang normal at kinukunsinti ng mga institusyon sa gobyerno at pribadong sektor ang pambu-bully sa opisina nang hindi isinasaalang-alang ang mental health ng biktima at posibleng emosyonal na pinsalang dulot ng mga bully.

“We have to protect our workers. We have to remember that part of our labor workforce’s welfare is their emotional and mental well-being. It’s never okay to bully someone regardless of the place, kahit sa eskwela pa yan o sa opisina,” aniya.

Ellson Quismorio