Naantig ang damdamin ng fans at supporters ni Kapamilya star Angelica Panganiban nang ibahagi niya ang "Father's Day" message para sa partner at ama ni Baby Amalia Sabine o "Bean" na si Gregg Homan.

"Mula noon pa, kung saan-saan ako naghahanap ng ibig sabihin ng pagmamahal ng isang ama. Madalas napapanood ko lang sa mga pelikula, nababasa sa mga libro, o paminsan nakikita ko sa mga kaibigan ko," ani Angge sa kaniyang Instagram post ngayong Linggo, Hunyo 17.

"Hindi ko akalain na magiging mapalad ako ngayon, na nakikita at nararamdaman ko na siya. Napakaswerte ni Amila at ikaw ang una n'yang pag ibig, kalaro at dada. Maraming salamat sa pagganap ng buong-buo at higit pa. Mahal na mahal ka namin. Happy Father’s day daddy," pagbati ni Angelica sa kaniyang partner.

Ipinakita ni Angge ang ilang clips kung paano alagaan ni Gregg ang kanilang unica hija.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Sa isa pang Instagram post, ibinida ni Angge na saglit silang nakatakas kay "Aling Maliit" para makapag-date silang dalawa ni Gregg.

"Nakatakas kay aling maliit kinda night," aniya.

"I love date nights with you. And glad to know that you will be my forever date to cleanse my palate with 😜 @gregg_homan," dagdag pa ng aktres.

Marso 2022 nang kumpirmahin ni Angge na nagdadalantao siya sa anak nila ng non-showbiz boyfriend-businessman na si Gregg Homan.