Muli na namang dumagundong ang puso ng mga netizen nang i-flex ni Kapamilya star Joshua Garcia ang kaniyang mga larawan habang nakabakasyon sa El Nido, Palawan.

"Snooze" lang ang salitang caption niya sa Instagram post, ibig sabihin, ito ang kaniyang well-deserved pahinga niya mula sa kaliwa't kanang schedule niya sa trabaho.

Gigil na gigil naman ang netizens sa freshness ni Joshua; hindi man ganoon ka-toned ang kaniyang katawan, pero katakam-takam pa rin ito sa marami dahil mukhang malinis, makinis, at mabango.

At tila nais nang tumira ang ilan sa malagong kilikili ni Joshua, kakaloka!

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

"Nag-init" din ang ilan sa pasilip ni "Juswaaa" sa brand ng kaniyang underwear.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Sarap ata tumira sa kilikili ni Joshua."

"Pagala-gala na lang ah. Parang walang asawang nag-aantay sa bahay! Char!"

"Ang fresh ng kilikili parang ang sarap amuyin maghapon haha."

"Pogiii"

"Mamahalin, aalagaan at pagsisilbihan!!!!"

Noong una, akala ng mga netizen ay magkasama sila ng katambal sa "Unbreak My Heart" na si Gabbi Garcia, subalit hindi ito totoo dahil ang kasama ni Gabbi, siyempre ang jowa niyang si Khalil Ramos.

Pero may lumulutang na ang kasama raw ni Joshua ay ang French-Filipina athlete na si Emilienne Luciana Gabrielle Vigier, batay sa Instagram story nito.

Napagtagni-tagni kasi ng mga netizen na para bang magkatulad sila ng pinuntahang lugar at motor boat na sinasakyan.

May ipinasilip ding braso ng lalaki si Emilienne subalit hindi naman tiyak kung kay Joshua nga ba ito o kung sinuman.