2 pang gold medal, nahablot ni Carlos Yulo sa Asian gymnastics competition sa Singapore
2 pang gold medal, nahablot ni Carlos Yulo sa Asian gymnastics competition sa Singapore
Dalawa pang gintong medalya ang naiuwi ni Pinoy gymnast Carlos Yulo sa Asian Senior Artistic Gymnastics Championships campaign sa Singapore nitong Linggo, Hunyo 18.
Pinagharian ni Yulo ang vault event sa kabila ng hindi maayos na pag-landing kung saan naitala nito ang iskor na 14.299 upang maibalik ang titulo na napanalunan nito sa 2022 Doha edition.
Umiskor si Yulo ng 13.966 sa unang vault event at 14.633 naman sa ikalawa upang pamunuan ang larangan.
Naka-silver medal naman si Abdulaziz Mirvaliev ng Uzbekistan (14.083) at bronze medal naman si Kim Jaeho ng Korea (13.766).
Pagkatapos ng isang oras, bumalik si Yulo sa laban kung saan nagpakiktang-gilas sa parallel bars nang umiskor ng 15.266 kung saan natalo nito sina Japanese Shinnosuke Oka (15.133) at Chinese Yin Dehang (15.100).
Sa kabuuan, humakot si Yulo ng tatlong gintong medalya, isang silver medal at bronze matapos kamkamin ang floor exercise nitong Sabado, Hunyo 17, at hablutin ang individual all-around silver nitong Huwebes, Hunyo 15.
Kristel Satumbaga-Villar