Kinilig ang mga netizen nang magsambit ng "Ti Amo" o "I love you" si Batangas Vice Governor Mark Leviste sa kaniyang special someone na si Queen of All Media Kris Aquino, nang pasalamatan niya ito sa pa-Europe trip treat sa kanila ng kaniyang anak na babae.

Makikita sa Instagram post ni Leviste ang iba't ibang litrato nila ng anak na si Arielle Leviste sa iba't ibang tourist spots sa mga bansa sa Europe, para sa maagang "Father's Day" celebration.

"It was awesome traveling with you as always @arielleleviste - you’re the best! Thanks for being patient with me and cooperative with our group - each moment we shared was such a joy, and I already look forward to our next adventure together," ani Mark.

Sa sumunod na talata ay pinasalamatan ni Mark si Kris.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"Likewise, 'merci mon amour' @krisaquino for making our trip extra special! 'Wir danke ihnen' from the bottom of our hearts for the wonderful treat! This trip was absolutely amazing because of you."

“Ti amo," aniya.

Hindi naman nakita sa IG post ni Mark kung kasama ba nila si Kris sa nabanggit na Europe trip. Sa iba pang posts, makikitang marami pang kasama si Mark mula sa lokal na pamahalaan ng Lipa, Batangas.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"WOW..'Ti Amo' sobrang kilig na talaga... advance happy father's day sir Mark Leviste!"

"Nakakakilig kahit matanda na ako, Kris is my idol ever since... sana forever na 'yan, praying for your fast recovery, Kris."

"Ang sarap po basahin ng caption Sir @markleviste ang sweet mo po. #kiligmuch #MarKris."

"Mas gusto ko si @markleviste para kay Kris may kilig din."

"Ti amo, I usaally say it when we are gF and BF's ng husband ko now."

Matatandaang kamakailan lamang ay tila may pag-amin na si Kris sa tunay na estado ng ugnayan nila ni Mark, na noong Enero 2023 ay nakasama niyang salubungin ang Bagong Taon.

Mula noon ay hindi na sila tinantanan ng mga "marites" sa pag-usisa kung ano na ba ang tunay na namamagitan sa kanilang dalawa.

MAKI-BALITA: Kris Aquino sa relasyon nila ni Mark Leviste: ‘We are proof that love comes when you least expect it’