Nagdulot ng aliw at katatawanan sa social media ang Facebook post ng isang car sales personnel mula sa General Santos City, matapos niyang i-flex ang isang kliyenteng bumili ng puting "Ford Everest" sa kanilang shop, na tila "bumili lang sa tindahan."

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Richmond John Cristobal kung saan nakapambahay at nakahubad pa ng pang-itaas ang car buyer na si "Carl Cy Tupas."

Ayon sa panayam ng Balita kay Richmond, dahil magkakilala naman sila, humingi ng permiso si Richmond na mai-post ang mga litrato nito sa social media, kaya pabiro ang naging caption nito.

"Isang stick ng Marlboro Red at Isang FORD EVEREST yung puti! CONGRATULATIONS TO TUPAS FAMILY. Grabe si Boss, Parang bumili lang sa tindahan," ani Richmond sa kaniyang Facebook post.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Larawan mula sa FB ni Richmond Carl Cristobal

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Yung kakagising mo lang tapos bigla mo naisipan bumili sasakyan kasi malayo bilihan pandesal."

"Isa pong royal tapos isang camel, yung sukli Ford na lang."

"Down to earth siguro 'tong tao na 'to. Congrats po."

"Sa sobrang yaman, nakabili ng Ford habang nag-dream walking."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 15k reactions, 25k shares, at 1.2k comments ang kaniyang viral FB post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!