Mismong fans at supporters ng singer na si Gigi De Lana ang nagtanggol sa kaniya matapos putaktihin ng bashers dahil sa umano'y mahal na pa-auction sa kaniyang ginamit na crop top, nang kantahin niya ang viral video nila ng mga kabanda sa awiting "Bakit Nga Ba Mahal Kita" habang papataas nang papataas ang tono, na kalaunan ay naging challenge.

Mababasa sa Facebook post ni Gigi, "Own a piece of OPM and YouTube PH History! Gigi Vibes Auction 02

LATEST BID: ₱68k!!!"

"Up for grabs is the iconic crop top worn by Gigi De Lana in the viral sensation 'Bakit Nga Ba Mahal Kita' music video. This one-of-a-kind item will be framed and personally signed, plus a chance to meet ang Gigi De Lana and The Gigi Vibes! Serious bidders only. Invalid bids will be deleted."

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Bukod sa makasaysayang crop top, nagbebenta na rin si Gigi ng pre-loved items niya kagaya ng iba pang damit at bags, na karamihan ay branded pa.

Kaya naman, inatake ng bashers si Gigi dahil sa mahal na pa-auction para sa kaniyang crop top.

Depensa naman ng kaniyang fans at supporters, ginagawa ito ni Gigi para sa pagpapagamot ng kaniyang inang may cancer. Huwag nang banggitin ang kaniyang sariling health concern sa thyroid, na dahilan kung bakit hindi siya nakakakanta ngayon.

Ibinahagi ni Gigi sa isang Facebook post ang screenshots ng pagtatanggol sa kaniya ng mga tagasuporta.

Bible verses na lamang ang tanging sagot niya sa kanila.

"Thank you sa positive comments. Para naman sa nagagalit sakin. Luke 23:34 "Then Jesus said, 'Father, forgive them; for they do not know what they're doing,'" aniya.