Usap-usapan ang mga larawang ibinahagi ni Kapamilya star Andrea Brillantes sa kaniyang social media posts kung saan makikitang inilabas niya ang ulo sa bintana ng kotse at tila iwinagayway ang kaniyang mahabang buhok at umawra-awra.

Sa comment section ng kaniyang Facebook post, ibinahagi ni Blythe ang screenshot ng kumbersasyon nila ng kaniyang ina.

Mababasang pinapili niya ang mommy niya kung ano ang mas maganda sa kaniyang mga larawan. Pinagalitan muna siya nito dahil delikado raw ang ginawa niya.

Ngunit sa bandang dulo, pumili rin naman ito ng larawan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Larawan mula sa verified FB account ni Andrea Brillantes

Umani naman ng iba't ibang reaksiyon at komento ang ginawa ni Andrea. May mga nagsasabing ang ganda-ganda niya, subalit may mga nagsabing delikado ang kaniyang ginawa at huwag sanang pamarisan ng iba.

"Young, wild and free..."

"Pakagandang bata!"

"Nice photo idea but I might lost my head."

"Required ba na kapag broken, kailangan magsaya-sayahan? #PrayForAndrea."

"Take care always my dear Andrea Brillantes, take it easy, bata ka pa anak, maganda at mahusay na aktres. Darating ang araw 'yang mga nagawa mo pagtatawanan mo na lamang 'yan, medyo mahihiya ka kasi iisipin mo bakit mo nagawa 'yun. Pero parte 'yan ng buhay natin, d'yan tayo matututo."

"Super ganda mo, Andrea!"

"Wag mo gawin 'yan ulit Andrea Brillantes napakadelikado lalong-lalo na sa highway na ganyan naku Diyos ko bata ka! Kung anak lang kita naku naku na lang!hmmm!"

Samantala, sa comment section ay makikita ang reaksiyon dito ng social media personality na si Rendon Labador, na kamakailan lamang ay nagpayong "career muna bagong landi" kay Andrea.

"Kaya madaming Gen Z ang nadidisgrasya kasi ang likot likot ninyo #RoadSafety #PrayForAndrea," aniya.

Screenshot mula sa FB ni Andrea Brillantes