Dahil walang nanalo sa huling draw, tinatayang aabot sa ₱273 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 ngayong Linggo, Hunyo 18, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ayon sa PCSO, tinatayang papalo na sa ₱273 milyon ang naturang lotto game matapos na hindi mapanalunan ang ₱265,998,969.60 nitong Biyernes ng gabi, Hunyo 16.
"Ang pangarap ng bayan Ultra jackpot ay mapanalunan. Kaya naman heto na't pakatitigan premyong baka sa inyo na ay nakalaan!" saad pa ng PCSO.
Eleksyon
Proklamasyon ng 'magic 12' sa 2025 midterm polls, tuloy sa Mayo 17
Kaya ano pa ang hinihintay n’yo? Punta na sa pinakamalapit na lotto outlet at tayaan ang inyong paboritong numero!
Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes, at Linggo