Walang nanalo sa mahigit ₱29 milyong jackpot sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Sabado ng gabi.

Sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi nahulaan ang winning combination na 18-15-43-25-34-19 na may premyong ₱29,700,000.

Sa ikalawang draw para sa Lotto 6/42, hindi rin napanalunan ang jackpot na ₱24,296,322.20 para sa winning combination na 10-08-21-13-35-26.

Binobola ang Grand Lotto 6/55 tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado habang ang Lotto 6/42 ay binobola naman tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Sonny Daanoy