Magpapatupad ng katiting na rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE).

Paglilinaw ni DOE-Oil Industry Management Bureau chief Rodela Romero, batay lamang ito sa apat na araw na kalakalan ng langis.

Aniya, posibleng tapyasan ng P0.30 hanggang P0.60 ang presyo ng kada litro ng gasolina.

Mula P0.30 hanggang P0.50 naman ang ibabawas sa kada litro ng diesel habang ang kerosene ay magkakaroon ng bawas na mula P0.40 hanggang P0.60 per liter.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Dahil dito, umabot na sa P3.95 ang kabuuang ibinawas sa presyo ng diesel, P6.70 naman sa gasolina at P6.05 sa kerosene ngayong taon.