Suportado ni Metro Manila Council (MMC) president at San Juan City Mayor Francis Zamora ang panawagang alisin na ang suspensiyon sa Non-Contact Apprehension Policy (NCAP).

Sinabi ni Zamora nitong Biyernes na naniniwala siyang makatutulong ang NCAP upang matugunan ang mga problema sa paglabag sa batas-trapiko sa National Capital Region (NCR).

Matatandaang sinuspinde ng Korte Suprema ang NCAP, sa pamamagitan nang inilabas ng temporary restraining order (TRO) noong Agosto 2022.

Gayunman, sinabi ni Zamora na simula nang masuspinde ang NCAP ay muling dumami ang mga naitatalang traffic violations sa NCR.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Ayon kay Zamora, base sa datos mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang mga paglabag sa batas-trapiko ay tumalon mula sa 22,736 noong Setyembre at naging 32,739 hanggang noong Mayo, 2023.

“Am I saying that all of these are because of the suspension? Not really, but again data will show that the number of violations (has) increased,” aniya pa, sa isang panayam. “If you ask me, given the four years that I’ve been a mayor, we really cannot have traffic enforcers all over the city of San Juan, more so all over the entire Metro Manila. So having the NCAP really helps in deterring traffic violators from committing these traffic violations.”

Una nang sinabi ng MMDA noong Huwebes na maghahain sila ng mosyon sa Korte Suprema upang ikonsidera ang pag-aalis ng TRO sa implementasyon ng NCAP, bunsod na rin nang tumataas na bilang ng traffic violations.