Nasungkit ng taga-Quezon City ang ₱15 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes ng gabi, Hunyo 15.

Matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang winning numbers na 19-03-45-22-42-32 na may katumbas na ₱15,840,000 premyo. 

Sa inilabas na kalatas ng PCSO, nabili ang winning ticket sa Kaunlaran, Cubao, Quezon City.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

May be an image of text that says 'PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE CONGRATULATIONS! NATIONWIDE ATION 049 SUPERO JACKPOT WINNER Thursday, June 15, 2023 19 03 45 22 42 32 WINNING COMBINATION Php15,840,000.00 JACKPOT PRIZE One (1) Winning Ticket was bought in Kaunlaran, Cubao, Q.C. *Prizes above subject 20% pursuant winnings should claimed yea date /pcsoofficialsocialmedia RAIN Law. otherwise 18+ same would /PCSO GOV forfeited form part the Charity Fund. www.pcso.gov.ph'

Ang lucky winner ay kailangan lamang magtungo sa PCSO main office sa Mandaluyong City para makubra ang premyo.

Kailangan lamang magpresenta na dalawang valid ID at winning ticket. 

Paalala rin ng PCSO na sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion law, ang lahat ng lotto winnings na mahigit sa ₱10,000 ay papatawan ng 20-percent final tax.

Ang mga premyo naman anila na hindi makukubra matapos ang isang taon ay mapo-forfeit at otomatikong mapupunta sa kawanggawa.

Ang SuperLotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes, at Linggo