Huwag nang magpatumpik-tumpik pa at sumugod na sa pinakamalapit na lotto outlet at tumaya gamit ang inyong lucky numbers!
Sa inilabas ng jackpot estimates ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), papalo na sa P29.7 milyon ang premyo ng Grand Lotto 6/55 habang nasa P24 milyon naman ang jackpot prize ng Lotto 6/42.
Nakatakdang bolahin ang mga naturang lotto game ngayong Sabado, Hunyo 17.
"Sumabak sa Sabado nang may pananabik, bili na ng tickets ninyo para sa mga sumusunod na #LarongMayPuso!" saad ng PCSO.
National
Lotto winner sa Laguna na 30 years nang tumataya, kumubra ng ₱70M premyo sa PCSO
Ang Grand Lotto 6/55 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado habang ang Lotto 6/42 naman ay kada Martes, Huwebes, at Sabado.