Hinurot na naman ng P-pop kings SB19 ang nakatakdang back-to-back concert sa Araneta Coliseum ngayong Hunyo 24, at 25, bilang pagsisimula rin ng kanilang “Pagtatag World Tour” ngayong taon.

Ito ang flex ng grupo sa kanilang mga social media platform ngayong gabi ng Sabado, Hunyo 16.

Nitong Hunyo 9 nang ilabas ng grupo ang latest extended play “Pagtatag” tampok ang anim na kanta.

Naging viral hit pa ang lead single na “Gento” sa TikTok kung saan ilang celebrities at online personalities ang kumasa sa sikat na dance challenge.

Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

Basahin: ‘Gento’ ng SB19, tumabo sa isang Billboard Chart, trending pa rin sa YT at certified dance craze sa TikTok – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, nitong Sabado rin inilabas ng SB19 ang latest version ng kanilang official lightstick.

“It represents a windmill similar to the inspiration of the SB19 logo. A windmill operates when there is wind. For SB19, A’TIN is their wind.

“It houses a replaceable center chip and different light settings to allow A’TIN to show their support for a specific song, era, or member,” paglalarawan ng grupo.

Wala pang petsa ng pre-sale para sa naturang official merchandise.