Sa hirap ng buhay sa kasalukuyan, na halos lahat ay naghahangad na magkaroon ng maraming pera, kahanga-hanga ang kuwento ng mga taong nagagawang isauli ang mga napupulot nilang bagay o pera dahil hindi maatim ng kanilang konsensya na ariin o angkinin ang mga bagay o perang hindi sa kanila.

Hinangaan ng mga netizen ang tatlong lalaki sa lalawigan ng Ifugao matapos nilang isurender sa Asipulo Police Station ang mga napulot na bundle na pera sa isang kalsadang kanilang nadaanan, na pagmamay-ari ng iisang tao lamang.

Unang dumating sa himpilan ng pulisya ang mag-lolong sina William Anudon at apo nitong si CJ Buccahan. Anila, nakapulot umano sila ng bundle ng pera na nagkakahalagang ₱305k sa bandang Bahag-Amduntog Provincial Road noong Mayo 30.

Larawan mula sa PNP-Asipulo, Ifugao

Balitang Pag-Ibig

National Boyfriend Day? Ilang viral wedding proposals na inulan ng Sana-all!

Larawan mula sa PNP-Asipulo, Ifugao

Agad na nagtungo sa naturang himpilan ng pulisya ang tunay na may-ari, matapos itong i-post sa social media, ngunit ayon sa may-ari, may nawawala pang ₱685k, dahil ₱1M daw ito.

Hindi nagtagal ay dumating sa police station ang isang nagngangalang Jerry Inuguidan ng Boko, Nungawa, Asipulo, Ifugao upang isurender ang napulot nitong bundle ng pera, na sakto sa nawawala at hinahanap na ₱685k ng may-ari nito.

Larawan mula sa PNP-Asipulo, Ifugao

Larawan mula sa PNP-Asipulo, Ifugao

Labis na nalugod naman ang mga netizen dahil tila pagpapakita raw ito na tapat at malinis ang konsensya ng mga taga-Ifugao.

"Sana tularan!"

"Kamangha-mangha!"

"Bihira lang ang mga ganiyang tao... good job mga taga-Ifugao, pagpalain kayo ng Diyos!"

"Buti pa ang mga taong 'yan hindi nasilaw sa pera, pero 'yong ibang nagtatrabaho sa gobyerno walang takot na mangurakot sa pera ng bayan."

Kudos sa tatlong ginoo na nagpakita ng katapatan at busilak na puso!

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!