Usap-usapan ngayon ang tsikang inirereklamo na raw ng co-stars ang mismong lead star ng seryeng "Magandang Dilag" na si Herlene "Hipon Girl" Budol dahil napapadalas na raw ang mga aberya sa usaping schedule at pagkaka-pack-up ng taping.

Ayon sa ulat ng PEP published nitong Miyerkules, Hunyo 14, matagal na raw naririnig-rinig ang ilang sentimyento ng co-stars ng beauty queen-actress dahil napapadalas na raw ang pagkakapack-up ng taping dahil sa mga tinatanggap na raket ng talent manager na si Wilbert Tolentino para sa alaga.

Ilan sa side hustles na tinatanggap umano ni Wilbert para sa alaga ay Santacruzan, appearance sa iba't ibang out of town, pagiging special guest sa ribbon-cutting ng mga establishment, at iba pa.

May kuwento pang naiiyak na raw sa pagod si Herlene sa tuwing dumarating sa set ng serye, subalit hindi naman daw makaalma ang 'magandang dilag' sa mga pagkakataong ibinibigay sa kaniya ng talent manager.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Isa pa, naghahanda na rin si Herlene sa nalalapit na pagsabak sa Miss Grand Philippines 2023.

Kaya ang siste, nagkukumahog na raw sa taping ang production team para matapos na ito at makapagpokus na si Herlene sa iba pa niyang ganap sa buhay.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Wilbert tungkol sa isyung ito.