Sa kauna-unahang pagkakataon ay inilahad ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes ang nilalaman ng kaniyang puso, matapos ang pinag-usapang hiwalayan nila ng basketball star player na si Ricci Rivero, sa Wednesday episode ng "Magandang Buhay," Hunyo 14, 2023.

Sa tingin daw ni Andrea, unti-unti ay okay na siya, dahil nagawa niyang humarap at magpakita sa mga tao kaya masasabi niyang maayos ang lagay ng puso niya.

Dahil katatapos lamang gunitain ang 125th Philippine Independence Day noong Lunes, Hunyo 12, tungkol sa "freedom" ang naging usapan ng momshie hosts at guests nila.

Masasabi raw ni Andrea na hindi pa siya 100% malaya dahil unti-unti pa ang acceptance niya sa mga bagay-bagay na nangyayari sa kaniya ngayon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Tingin ko kasi, kapag sinabi na freedom, mayroon ding part doon ng acceptance kasi na-accept mo na na kailangan mo nang i-let go yung mga bagay-bagay."

"Ako po kasi, aminado ako na since ang bago-bago pa lang po talaga ng lahat, at alam mo ‘yon, naging totoo kasi sa akin lahat. Ako, nagmahal ako nang totoo, hindi ko ‘yon male-let go agad-agad," ani Blythe.

"Hindi ko masasabing malaya ako ng 100% kasi may mga bagay pang ayaw ko pang pakawalan and may mga bagay pa na pino-process ko pa."

"Kasi ganoon naman talaga, normal lang naman na dapat ay namnamin ko itong mga feelings na 'to para makapag-heal ako nang maayos. Ayoko naman maging pretentious na maki-trend lang na 'I'm unbothered,' para lang masabi na 'unbothered queen.' Aminado ako na nakakaramdam ako kasi tao pa rin po ako," pahayag pa ng aktres na bida sa iWantTFC series na "Drag You and Me."

Matatandaang nagulantang ang showbiz world nang aminin ni Ricci na matagal na silang hiwalay ni Andrea, at humingi siya ng tawad sa publiko dahil sa pananahimik at hindi pag-anunsyo tungkol dito.

Umugong ang espekulasyong hiwalay na ang dalawa dahil walang pagbati ng "Happy Birthday" si Blythe para sa jowa noong Mayo 25, na expected sa kaniya dahil nga magkarelasyon sila.

Lalong umigting ang hinala ng mga marites nang mahagip ng mga mata ng netizens ang Instagram story ng beauty queen-public servant na si Leren Bautista, kung saan ibinahagi niya ang litrato ni Ricci.

MAKI-BALITA: Ricci at Andrea, hiwalay na? Ricci, may pasabog na tweet

Noong Hunyo 12, naglabas na rin ng opisyal na pahayag si Leren tungkol sa pagkakadawit niya sa hiwalayang Andrea-Ricci.

MAKI-BALITA: Leren Mae Bautista, nagsalita na hinggil sa umano’y ‘romantic involvement’ kay Ricci Rivero

Sa guesting naman ni Andrea sa "It's Showtime," pinakalma siya ni Vice Ganda at binigyan ng makabagbag-damdaming mensahe.

MAKI-BALITA: Vice Ganda kay Andrea: ‘ Wala kang kapalit dahil wala kang kapantay!’