Inamin ng misis ni Derek Ramsay na si Ellen Adarna na dumating na sa puntong naisip na niyang magpakulam ng isang taong nakasakit ng damdamin sa kaniya.

Naganap ang pag-amin sa pa-Q&A sa kaniya ng isang netizen, na sinagot niya sa kaniyang Instagram story.

"Kasuway naka dzai na ikaw mismo ang nagpa-spell?" tanong sa kaniya ng netizen na may salin na "Naka-try ka na bang ikaw mismo yung nagpakulam?"

Screenshot mula sa IG ni Ellen Adarna

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sagot ni Ellen, "“Spell? Oo day pero not spell to fall in love, spell na mamamatay talaga siya. I was that close."

Ngunit natanong daw siya ng mangkukulam na isang lalaki, kung kaya ba niyang pangatawanan sa kaniyang konsensya habambuhay ang gagawin nila sa ipinakukulam niya.

Hindi raw pala maaatim ng budhi ni Ellen ang kulam.

"But the guy na gagawa na sana ng kulam, asked me if I can live with it my whole life, if this person is worth the guilt I would be carrying if talagang ipapapatay ko siya, doon ko narealize di siya worth it."

"So di ko na lang itinuloy and I don’t think I would ever think of doing such again,” aniya pa.

Hindi naman pinangalanan ni Ellen kung sino ang mangkukulam at kung sino ang balak niyang ipakulam noon.