Tila nagngitngit ang nagdeklara ng giyera ang showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis sa mga umano'y gumagawa ng intriga at inggitera sa kaniyang alagang si Paolo Contis, na hanggang ngayon ay hindi pa rin tinatantanan ng bashers, at nadagdagan pa dahil sa pagpayag na maging bagong host ng bagong "Eat Bulaga!"

Nabanggit ni Lolit na handa siyang makipagwarlahan sa sinumang intrigera at inggiterang bumubuo ng intriga sa kaniyang alaga, na ngayon pa lamang daw bumabawi sa kaniyang career.

"Sana maging isa sa gabay niya si Cristy dahil nga ngayon niya mas kailangan ang mga mabuting tao sa paligid niya. Hindi ako maniniwala na gusto ni Cristy masira ang career ni Paolo dahil sa mga pitik ni Cristy. Tiyak ko na hindi gugustuhin ito ni Cristy mismo. Siguro naman kung sa akin may galit si Cristy puwede naman ako ang sabihan niya, at hindi si Paolo."

"At kung tutoo na ang mga intrigera, inggitera mga fat ladies na plastic ang gumagawa ng intriga sana naman hindi dahil ngayon pa lang I say, when you want WAR, I am ready, anytime, anywhere, hindi kailangan isali ang sino man sa alaga ko. Ako ang gusto nyo ibagsak, I am ready, you are welcome anytime."

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Matatandaang simula nang pumutok ang isyu ng hiwalayan nila ni LJ Reyes at maugnay kay Yen Santos ay hindi na tinantanan ng bashing si Paolo.

Umalma si Lolit dahil sa sunod-sunod daw na "pitik" ng showbiz columnist at dating kasamahan sa isang show nila ni Mr. Fu na si Cristy Fermin.

Panawagan niya kay Cristy na sana ay maging fair at constructive ito pagdating kay Paolo. Kahit anong mangyari daw ay lagi siyang nasa panig ng kaniyang hina-handle na aktor.

Kung may personal mang galit sa kaniya si Cristy, siya raw ang atakihin at huwag ang alaga.

"Please spare iyon walang kasalanan. I am sure Cristy is fair, kaya tatanggapin ko na constructive ang mga pitik niya kay Paolo Contis. And as long as Paolo Contis feel he is not guilty of anything, take it as a sign of a mother castigating her son for a naughty thing he has done."

"Fight a worthy battle, don 't waste your time with things not worth your time. Basta I will always be at your side Paolo, anuman laban mo dahil I know you are a good person, Fighting," ayon pa sa IG post ni Lolit.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Cristy tungkol dito.

MAKI-BALITA: ‘Sana constructive!’ Lolit sinita si Cristy, bakit laging ‘pinipitik’ alagang si Paolo