Mapapa-wow ka talaga dahil inaasahang papalo na sa ₱267 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa darating na Friday draw!
Sa inilabas na jackpot estimates ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), maaaring mapanalunan ang ₱267 milyong premyo ng nasabing lotto game.
Matatandaang nitong Martes ng gabi ay hindi napanalunan ang ₱251,297,399.20 jackpot prize mula sa winning combination na 42-18-14-37-56-27. Dahilan upang mas tumaas pa ang mga papremyo.
Eleksyon
Luis Manzano natalo, pero 'panalo' pa rin daw dahil sa mga Batangueño
Kaya ano pa ang hinihintay n'yo? Punta na sa pinakamalapit na lotto outlet at tayaan ang inyong paboritong numero!
Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes, at Linggo