Dumating na sa Albay ang bahagi ng 55 toneladang assorted food items na donasyon ng United Arab Emirates (UAE).

Sa Facebook post ng Albay Provincial Information Office (PIO), ang naturang relief goods na lulan ng dalawang truck ay tinanggap nina Governor Edcel Greco Lagman at Provincial Information Officer Marylou Duka-Castillo at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 5 director Norman Laurio.

Inaasahang darating ngayong Miyerkules ang tatlo pang truck upang makumpleto ang 55 toneladang food items.

Ang nasabing tone-toneladang pagkain ay mula kina Royal Highness, King Sheikh Mohammed bin Rashid Al Maktoum at United Arab Emirates President Sheikh Mohammed bin Zayed Al Nahyan,

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Tiniyak naman ni Lagman na lahat na apektadong pamilya ay makatatanggap ng nasabing relief goods.

"Handa po tayo to absorb all this goods. This goods will be accounted for. 'Yung DSWD ang magiging lead agency at magmo-monitor dahil ang mga ito ay dapat mapunta talaga sa mga nangangailangan," anang gobernador.