Handa raw makatrabaho ng tinaguriang "Reyna ng Soap Opera" ng ABS-CBN na si Judy Ann Santos, ang kapwa niya reyna sa linyang ito na si Claudine Barretto, nang mauntag siya sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Martes, Hunyo 13, 2023.

Espesyal ang pagbisita ni Juday dahil ika-100 episode na ng 20-minute talk show ni Boy Abunda matapos niyang lumundag pabalik sa dating tahanan sa GMA Network.

Emosyonal pa si Boy nang ipakilala ang espesyal na bisita, na aniya ay hindi naman kailangang mag-guest dahil walang ipo-promote, malayo ang bahay mula sa GMA Network Center, subalit umoo nang maimbitahan niya sa kaniyang show.

Isa nga sa mga natanong ni Boy ay ang reaksiyon ni Juday sa naging mga sagot ni Claudine sa Fast Talk, nang ito ang naging panauhin kamakailan ng talk show host.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Na-teary eyed daw si Juday nang marinig ang mga sinabi ni Clau.

"Tama si Claudine, we never really had a chance to be close noong mga bata kami, because Star Magic siya, I have Tito Alfie (Lorenzo) with me, at palagi kaming nakatapat sa isa't isa, and I guess that's a very healthy competition," ani Juday.

Si Alfie Lorenzo ay ang yumaong talent manager ng aktres.

Naniniwala umano si Juday na dapat magkaroon ng "healthy competition" ang bawat isa upang makatulong at mabigyan ng pagkakataong mapaunlad pa ang sarili sa larangang kinabibilangan.

"Ako naniniwala ako hanggang ngayon, there's always a need for you to have a competition para alam mo kung saan mo pa puwedeng itaas yung sarili mo, saan ka pa puwedeng mag-improve," paliwanag ni Juday.

Going back sa kanilang dalawa ni Claudine, "good friends" naman daw sila kahit hindi sila nagkakasama sa proyekto noon.

"We're good friends, we're okay, we never just had that chance to go out, and you know, be really close... a project with Claudine, of course, why not? I think hindi lang naman dahil sa hinihingi ng mga tao but I think it would be a very interesting project."

"Sobra," sang-ayon naman ni Boy.

"For me and Claudine to do a project, this is I think the very perfect moment kasi kamado at payapa pa ang kapaligiran."

Ang tanong ngayon, susugal at mag-ooffer at magluluto kaya ang GMA Network ng isang proyekto para sa kanilang dalawa?

MAKI-BALITA: Judy Ann Santos, special guest sa FTWBA; game magka-proyekto sa GMA