Laugh trip ang hatid sa netizens nang magpasalamat ang isang contestant ng bagong "Eat Bulaga!" sa TVJ o kina dating senate president Tito Sotto III, Vic Sotto, at Joey De Leon, na nag-alsa balutan na sa noontime show noong Mayo 31.

Sa halip na kina dating Manila City Mayor "Yorme" Isko Moreno Domagoso at Buboy Villar magpasalamat ang contestant sa bagong segment ng noontime show, TVJ ang nabanggit nito.

"Ano ang masasabi mo sa Eat Bulaga?" tanong ni Isko.

"Maraming-maraming salamat po sa Eat Bulaga, lalo na kina Tito, Vic and Joey," pasasalamat ng contestant na nanalo ng ₱10k.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"Oh 'yon! Tito, Vic and Joey! Yung mga nakasama natin noong araw, hindi natin makakalimutan. Pero ngayon, ang bagong Eat Bulaga, lagi mo ba kaming sasamahan?" sundot ni Isko.

"Opo, palagi po kami nanonood ng pamilya ko," bawi naman ng contestant.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Hindi na talaga mawawala sa alaala ng mga tao ang TVJ!"

"Kahit ako naninibago pa rin sa bagong hosts hehehe."

"We must say na Eat Bulaga is TVJ and TVJ is Eat Bulaga talaga! Matik na 'yan!"

"Kung ako sa kanila magpalit na sila ng name hehehe para sila na ang ma-associate."

"Ok lang 'yan. Dati nga di ba, sa mismong EB, si Willie ang pinasalamatan. Pero patunay lang kasi ito na EB will always be TVJ. Hindi puwedeng paghiwalayin 'yan. So expect tayo na muulit at mauulit ang ganitong eksena."