Nagbigay ng iba pang rebelasyon ang isa sa original hosts ng "Eat Bulaga" na si Joey De Leon tungkol sa kontrobersyal na paglayas nila sa pamamalakad ng TAPE, Inc. at tuluyang pamamaalam sa longest-running noontime show na umeere sa GMA Network.

Natanong ni TV5 news anchor Julius Babao kay Joey kung paano namagitan ang Kapuso Network sa sigalot na nangyayari sa TVJ versus TAPE, Inc. management.

Ani Joey, hindi raw nagparamdam o nangumusta ang pamunuan ng Kapuso Network sa kanila simula nang mag-alsa balutan sila sa show. Napag-usapan kasi na nang umalis ang TVJ sa Eat Bulaga, isa sa mga unang nangumusta sa kanila ay ang head ng Puregold na si Susan Co. Puregold ang isa sa major advertisers na sumusuporta sa mga papremyo ng Eat Bulaga. Tinanong daw sila ni Susan kung okay sila. Hindi raw napigilan ni Joey na hindi maiyak habang kausap ito.

"Ba't 'yung ibang tao 'di ba?" sundot ni Joey.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"At isa lang siya sa mga taong nagparamdam sa inyo," segunda naman ni Julius.

Ngunit ang GMA management raw ay ni hindi man lamang daw nangumusta sa kanila, lalo na sa kasagsagan ng sigalot.

"Eh yung seven (GMA Network)... Hoy seven, kayo ba tumawag na 'Oh okay ba kayo?'" natatawa-tawang sabi ni Joey.

"Oo nga, wala ba silang gano'n? Ni isang tawag?" sundot na tanong ni Julius.

"Wala, wala silang gano'n...."

"Ni pa-goodbye man lang, wala?" tanong pa ulit ni Julius.

"Wala! Well, eh... gano'n talaga," ani Joey.

Matatandaang sa panayam mismo ng GMA News kay GMA Senior Vice President Annette Gozon-Valdes, sinabi nilang kung sila ang pamimiliin, ayaw nilang pakawalan ang TVJ at iba pang original Eat Bulaga hosts, subalit ang "gusot" ay sa pagitan ng hosts at TAPE management kaya wala silang sey upang mag-mediate dito.

MAKI-BALITA: GMA, kanino pumapanig sa TVJ-TAPE saga? Annette Gozon-Valdes, nagsalita

Kung mabibigyan ng pagkakataon, sinabi pa ni Gozon-Valdes na willing pa rin silang makatrabaho ang mga umalis na original Eat Bulaga hosts.

MAKI-BALITA: Annette Gozon-Valdes, bet pa ring makatrabaho ang TVJ, iba pang EB hosts sa GMA

Si Vic Sotto ay may sitcom na "Open 24/7" sa GMA kasama sina Jose Manalo at Maja Salvador.

Si Jose ay kabilang din sa line-up ng mga hurado sa "Battle of the Judges" kasama si Gozon-Valdes, Boy Abunda, at Bea Alonzo.