Hindi maitago ng aktres na si Kris Bernal ang kaniyang kilig matapos makaharap ang Hollywood actor na si "Chris Hemsworth" matapos niyang dumalo sa fan event nito, na ginanap sa SM Mall of Asia.

Ang nabanggit na fan event ay para sa Netflix movie nitong "Extraction 2" kamakailan.

Si Chris ay markado sa kaniyang pagganap bilang si "Thor" sa Avengers/Marvel movies.

Akala raw ni Kris ay "mapapa-anak" siya nang wala sa oras, iyon pala ay kinikilig lang siya kay Chris.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Akala ko puputok na ang panubigan ko, naiihi lang pala ako sa sobrang kilig kay @chrishemsworth," ani Kris sa kaniyang Instagram post.

"Gathered every ounce of my strength and energy to see Chris Hemsworth (Third trimester pregnant women understand how difficult it is to move at this stage) I arrived two hours earlier so I could get a chance to be in the front row of the VIP pit and brought our 'Thor' Funkopops with me in the hopes that Chris would sign it!"

"Walang tumatayo sa VIP pit pero sumugod talaga ako at sumiksik para makapag-pirma! ACHIEVED! Days before the event, I rewatched #Extraction1 as refresher! Fan yarn?!" ani Kris.

Star-studded ang naturang fan event dahil namataan doon ang iba pang local celebrities gaya nina Maja Salvador, Rayver at Rodjun Cruz, Derek Ramsay, Alden Richards, at marami pang iba.