Kinakiligan ng mga netizen ang palitan ng mensahe nina Zeinab Harake at Fil-Am basketball player na si Bobby Ray Parks, Jr. sa Instagram post ng una, kung saan makikita ang kaniyang sexy photos habang nasa isang dalampasigan.

Bantad na bantad na nga sa social media ang kanilang sweetness subalit hindi pa kumpirmado kung ano na nga ba ang label ng dalawa.

Ngunit naniniwala ang mga netizen na may pagkakaunawaan na ang dalawa.

"Just another beach pic popping in your news feed," caption ni Zeinab sa kaniyang mga litrato.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Sa comment section ay naglapag naman ng kaniyang reaksiyon si Bobby Ray.

"Ggaaawwwddd tell me, so I know it’s mine," aniya.

Tugon naman ni Zeinab, "Iyong-iyo!"na may emoji pang black heart.

Sa kaniyang IG account naman ay hindi naman nagpatalo sa kaniyang entry ang basketball player.

“Lets fall asleep with the Moon and I will greet you with the sun," aniya kalakip ang mga litrato nila ni Zeinab sa beach.

Ibinahagi pa niya ang isang quote na "Money attracts the female you want. Struggle attracts the woman you need."