Instant millionaire ang dalawang lucky lotto bettors mula sa Makati at Caloocan matapos magwagi sa Super Lotto 6/49 nitong Linggo ng gabi, Hunyo 11.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), dalawa ang maghahati sa ₱15,840,000 na jackpot prize nang mahulaan ang winning combination na 18-29-21-48-10-08.

Nabili ang dalawang winning ticket sa Makati Cinema Square, Pasong Tamo, Makati City at J.P. RIzal St. Maypajo, Caloocan. 

Bukod dito, may 27 na mananaya ang mag-uuwi ng tig-₱20,000 para sa second prize.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Kamakailan din ay may isang taga-Makati ang nanalo sa Mega Lotto 6/45 na may katumbas na ₱8,910,000.00.

Ang mga lucky winner ay kailangan lamang magtungo sa PCSO main office sa Mandaluyong City para makubra ang premyo.

Kailangan lamang magpresenta na dalawang valid ID at winning ticket. 

Paalala rin ng PCSO na sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion law, ang lahat ng lotto winnings na mahigit sa ₱10,000 ay papatawan ng 20-percent final tax.

Ang mga premyo naman anila na hindi makukubra matapos ang isang taon ay mapo-forfeit at otomatikong mapupunta sa kawanggawa.