Makararanas pa rin ng pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa dahil sa southwest monsoon na palalakasin pa rin ng bagyong may international name na Guchol (dating 'Chedeng').

Ito ang pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at sinabing ang nasabing pag-ulan ay tatagal pa ng tatlong araw.

Huling namataan ang bagyo sa karagatan sa timog silangan ng Japan o tinatayang 1,695 kilometro silangan hilagang silangan ng northern Luzon.

Sinabi ng PAGASA, malaki ang posibilidad na uulanin ang Metro Manila, Bulacan, Benguet, Occidental Mindoro, northern portion ng Palawan, kabilang na ang Calamian at Cuyo Islands; Antique Region, Zambales at Bataan, hanggang Martes ng gabi.
National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'