Tinatayang 50% ng mga Pilipino ang naniniwalang bubuti ang ekonomiya ng Pilipinas sa susunod na anim na buwan, ayon sa inilabas na resulta ng March 2023 survey ng OCTA nitong Linggo, Hunyo 11.

Sa inilabas na “Tugon ng Masa” survey ng OCTA, 40% naman umano ang naniniwalang hindi magbabago ang estado ng ekonomiya ng bansa sa susunod na anim na buwan, habang 6% naman ang nagsabing lalala ito sa susunod na anim na buwan.

“Optimism regarding the Philippine economy among adult Filipinos increased since October 2022, from 46 percent to 50 percent,” anang OCTA.

“Pessimism regarding the Philippine economy among adult Filipinos decreased since October 2022 from 10 percent to 6 percent,” dagdag nito.

Bong Revilla, Jinggoy Estrada kumambiyo rin sa Adolescent Pregnancy Bill

Isinagawa umano ang nasabing survey mula Marso 24 hanggang 28 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 Pinoy sa bansa na may edad 18 pataas.