Napa-wow ang mga netizen sa kagandahan ng misis ni Oyo Sotto na si Kristine Hermosa-Sotto nang dumalo ito sa kasal ng kaniyang kapatid na si Kathleen Hermosa at magsilbing maid-of-honor.

Ibinahagi ni Oyo ang litrato ng misis sa kaniyang Instagram post kung saan kitang-kita ang kagandahan nito kahit nakaupo lamang.

"Grabe naman… Pakasalan kita d'yan eh," ani Oyo sa caption.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa celebrities.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

"Galawan mooooooooo booy ibaaaa!!!" sey ng komedyanteng si Kakai Bautista.

Komento naman ng misis ng kaniyang daddy Vic Sotto na si Pauleen Luna-Sotto, "Wala na! Tapos na ang laban!"

Pati ang mga netizen, napa-komento rin.

"Dapat ipagbawal umattend ng kasal ito, natatabunan yung ikakasal."

"To me she’s the most beautiful Filipina celebrity at hindi lang physica, spiritual (din) because this woman is loved by God and she loves the Lord Jesus kaya. It's the glory of the Lord on her that makes her more beautiful."

"Ito yung literal na hot mama... ang ganda pa rin..."

"Legs pa lang talo na tayong lahat hahaha."

"ibig sabihin masaya si @khsotto sa buhay may pamilya di s'ya stress syempre mabait ang husband magaling mag-alaga ng asawa. Number 1 sa mga iniidolo ko na artista simpleng babae simpleng kagandahan natural. Napa-comment ako di ko natiis."

"Grabe, ilan na ba anak ni Kristine? Parang hindi nanganak!"

Noong Enero 12, 2023 ay ipinagdiwang ng mag-asawa ang kaniyang 12th wedding anniversary.

Ikinasal ang dalawa sa Club Balay Isabel sa Talisay, Batangas noong Enero 2011.

Sa kasalukuyan, sila ay may limang anak. Ito ay sina Kristian Daniel, Ondrea Bliss, Kaleb Hanns, Marvic Valentin, at Vittorio Isaac.

Nagkakilala ang dalawa nang gumanap si Kristine bilang "Faye" sa pelikulang "Enteng Kabisote," katambal ng ama ni Oyo na si Vic Sotto. Ang role naman ni Oyo sa pelikula ay si "Benok," anak nilang dalawa.