Kinaaliwan at kinabiliban kamakailan ang video ng gurong si Cyrell Jones Sidlao dahil sa maaasahang fur baby na si "Rocky," isang Golden Retriever dog breed, matapos nitong kunin ang item na idineliver ng isang rider.

Sa kaniyang Facebook post, ibinahagi ni Cyrell ang kuhang CCTV sa kaniyang bahay kung saan excited na tumakbong patungo sa tarangkahan ang dalawang alagang asong sina Rocky at "Rambo" nang dumating ang delivery rider na mag-aabot ng kaniyang parcel.

"Delivery Rider: Tao po!!

Rambo: Kuya! May Parcel !!!

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Rocky: Kagat o Ibibigay mo?! Akin na!

Rider: (smiling emoji)

(Rason kung bakit on-time palagi ang delivery ng order ko)," caption ni Teacher Cyrell.

"Yung tinuro ko lang na tricks sa kanya is only sit & stop. Pero yung pagkuha sa parcel, siya lang talaga. Siguro nakikita niya na excited ako na pag may dumating at inaabot na parcel."

"Kaya pag may mag deliver, siya na ang tumatanggap. Binibigay naman ng rider tapos sabay haplos," kuwento ng guro sa eksklusibong panayam ng Balita.

Si Teacher Cyrell o CJ ay nagtuturo ng SPED sa Buyos Elementary School sa Sindangan, Zamboanga Del Norte.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!