Muli na namang napa-wow ang mga netizen sa social media personality/aktres na si Toni Fowler matapos niyang ibida ang kaniyang "bait-baitan at simple look" sa social media.

Sa mga naturang larawan, suot ni Toni ang isang dress na kita lamang ang kaniyang mga braso at may konting pasilip sa boobey, na tila malayo sa mga madalas niyang isinusuot.

"Ok na ba? Karespe-respeto na ba?" caption ni Toni sa kaniyang post.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Dalagang bukid ang datingan Mami Oni."

"Ang ganda mo tingnan pag simple lang."

"Ang ganda mo Mommy Oni."

"Bagay sa iyo ang simple lang! Fresh ka tingnan."

"Kahit ano naman bihis at ayos natin sa sarili natin kung may mga tao naman na kontra at hindi masaya kung anong meron tayo sa buhay na wala sa kanila, patuloy gagawa ng paninira sa atin, ay tayo pa rin inaangat ng lahat ng tao na tunay na nagmamahal sa atin."

Matatandaang kamakailan lamang ay hinangaan din ang simpleng ganda ni Toni, nang mag-guest siya sa morning talk show na "Magandang Buhay" sa ABS-CBN.

MAKI-BALITA: ‘Pa-virgin yarn?’ Toni Fowler, mas lutang at angat ang ganda ‘pag simple lang