Isang patutsada ang pinakawalan ng isa sa mga TVJ at original host ng "Eat Bulaga" na si Joey De Leon tungkol sa pamagata ng longest-running noontime show sa bansa, na may ibang hosts na rin matapos ang kanilang exodus.

Hindi raw akalain ni Joey, bilang nakaisip ng program title noong 1979, na darating sa puntong pag-aawayan, pag-aagawan, at aangkinin ng iba ang naturang pamagat.

"Noong maisip, binuo at imungkahi ko ang pangalang 'EAT BULAGA!' para sa aming palabas noong 1979, naramdaman kong kahit ito ang napili at tinanggap ng marami sa namumuno, matagal-tagal ding ninamnam ito hanggang sa tumining; wari bang isang aampunin na may kaibang tunog at kaiba sa paningin," ani Joey sa kaniyang latest Instagram post.

"Tila ba kailangan mong masanay lunukin. Aakalain ba n'yong makalipas ang 44 na taon o halos LIMANG DEKADA, ang pangalang ito ay pag-aawayan, pag-aagawan at marami ang nais na umangkin?!"

National

Rep. Paolo Duterte, ‘negatibo’ sa hair follicle drug test

Matatandaang usap-usapang kasabay ng paglipat ng TVJ sa TV5, dadalhin pa rin nila ang pamagat at segments na una nang nakilala sa Eat Bulaga, habang sila ay nasa dating tahanan na GMA Network.

Kaya naman, marami na ang nakaabang kung alin sa dalawang programa ang "Lalaban o Babawi" patungkol sa pamagat. Sa kasalukuyan kasi ay Eat Bulaga pa rin ang tawag sa programa na umeere sa GMA Network.

MAKI-BALITA: ‘Laban o Bawi?’ Eat Bulaga versus Eat Bulaga posibleng magsalpukan sa noontime