Kinaaliwan ng mga netizen ang Facebook post ni Chika Minute showbiz news presenter ng 24 Oras na si Iya Villania matapos niyang mapa-throwback sa panganganak sa panganay nila ng mister na si Drew Arellano.

Ayon kay Iya, nang isilang niya si Antonio Primo noong 2016, na-realize daw niya na mahirap ang maging isang ina, at pakiramdam niya ay "exhausted" na kaagad siya.

"2016. Back when we just had Primo and realized that mothering is hard. I was so exhausted," ani Iya.

Dahil daw dito, naisip ni Iya na hanggang dalawa lamang sana ang maging anak nila ni Drew.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"I knew I wanted to have a lot of kids but after having Primo I was settling with the idea of just having 2 here."

Ngunit hirit ni Iya, "I’m so glad it was just a phase."

Sa kasalukuyan ay may apat na anak na sina Iya at Drew. Ito ay sina Antonio Primo, Alonzo Leon, Alana Lauren, at Astro Phoenix.

Enero 17, 2023, tila nagbigay ng hint ang mag-asawa na bet pa nilang magka-fifth baby sila.

Natuwa pa nga ang netizens sa kanilang Instagram reels matapos nilang i-dub ang iconic lines ng karakter ni George Clooney sa pelikulang "Ocean's Eleven."

"Do you think we need one more?"

"Do you think we need one more?"

"Alright, we'll get one more."

Na-gets naman ng mga netizen na ang tinutukoy nila ay pagkakaroon ng isa pang baby, pagkatapos ni Astro Phoenix.

MAKI-BALITA: ‘Seriously, these kids are addicting!’ Iya at Drew Arellano, game na magka-baby no. 5?

Well, sa ganda ng lahi nina Iya at Drew at may kakayahan naman silang bumuhay at mag-provide ng maraming chikiting, go lang nang go lalo na kung "walang biyahe si Drew!"