Nagpakita ng suporta ang aktres na si Teresa Loyzaga para sa anak na si Diego Loyzaga, matapos ang 'soft launch" na isa na siyang ganap na daddy, sa kaniyang social media posts.

Flinex ni Diego ang litrato niya kasama ang isang baby habang karga ito.

"The best birthday gift ever," caption ni Diego sa kaniyang Facebook post.

MAKI-BALITA: ‘Daddy’ Diego Loyzaga, flinex ang baby: ‘The best birthday gift ever’

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Batay sa comment section, maraming nagpaabot ng pagbati para kay Diego. Hindi naman nabanggit ni Diego kung sino ang ina ng bata, subalit batay sa mga kumakalat na tsika, siya ay may non-showbiz girlfriend.

Sa ulat ng isang pahayagan, Abril pa lamang daw nang mabalitaan ng kanilang source na buntis na ang jowa ni Diego na isang non-showbiz personality, at kasa-kasama raw niya ito sa Australia.

Bumalik sa Pilipinas si Diego bandang Mayo para sa pelikulang "Will You Be My Ex" na pagbibidahan nila ni Julia Barretto, ngunit kahit sa Hunyo 21 na raw ang pagpapalabas nito sa mga sinehan, bumalik ng Australia si Diego dahil manganganak na raw ang kaniyang jowa.

Anyway, bagama't walang kumpirmasyon mismo mula kay Diego, ang nanay niyang si Teresa Loyzaga na nga ang nagkumpirmang isa na siyang certified lola. Mukhang "Glam-Ma" nga ang bet niyang itawag sa kaniya ng apong baby girl na si "little Pochola."

"You made me a Mother. Now u made me a Glam-Ma! I couldn't be more proud! I love you anak and I love my little 'Pochola'! I wish your new chapter all the happiness and blessings! Mwah!! Cheers to the three of you! Yay!" komento ni Teresa sa Facebook post ni Diego.

Screenshot mula sa FB ni Diego Loyzaga via ABS-CBN News

"Yahoo! Glam-Ma Lola in the house! Mwah! Love you, anak! Love you, my 'Pochola!'" komento naman ni Teresa sa Instagram post ng anak.

Screenshot mula sa IG ni Diego Loyzaga via ABS-CBN News

Congrats, Diego!