Tinatayang 54% ng mga Pilipino ang nagsabing bubuti ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa susunod na anim na buwan, ayon sa inilabas na resulta ng March 2023 survey ng OCTA nitong Linggo, Hunyo 11.

Ayon sa “Tugon ng Masa” survey ng OCTA, 40% naman umano ang naniniwalang hindi magbabago ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa susunod na anim na buwan, habang 4% naman ang nagsabing lalala pa ang kanilang pamumuhay sa susunod na anim na buwan.

“Optimism regarding the quality of life of adult Filipinos increased compared to last October 2022 from 51 percent to 54 percent,” anang OCTA.

“Meanwhile, pessimism decreased from 6 percent to 4 percent,” dagdag nito.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Isinagawa umano ang nasabing survey mula Marso 24 hanggang 28 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 Pinoy sa bansa na may edad 18 pataas.

Ito umano ay isang commissioned survey ng Go Negosyo.