Nasa ₱33 milyong halaga ng tulong ang paparating na sa mga pamilyang naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa Albay.

Ito ay matapos umanong mapadali ng tanggapan ni Speaker Martin Romualdez at Tingog Party-list ang pagpapalabas ng pondo para sa tatlong apektadong distrito ng lalawigan.

Ang mga naturang apektadong lugar ay ang 1st district, sa ilalim ni Rep. Edcel Lagman; 2nd district, sa ilalim ni Rep. Joey Salceda; at ang 3rd district, sa ilalim ni Rep. Fernando Cabredo. Ang tulong mula sa Speaker's office ay dadaan umano sa kani-kanilang mga tanggapan.

Ayon sa pahayag ni Romualdez nitong Linggo, Hunyo 11, tatanggap ang bawat isa sa tatlong distrito ng ₱1 milyong halaga ng tulong o "ayuda"--partikular na ang ₱500,000 na pera at ₱500,000 na relief packs. Galing umano ang mga pondo sa personal disaster response fund ni Romualdez.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"The members of the House are one with the people of Albay during this challenging time. Mayon Volcano's eruption is something that we cannot stop, but so is showing malasakit (compassion) to our countrymen when difficulties arise. Together, we will ride out this calamity," saad ni Romualdez, 1st district representative ng Leyte.

Higit pa rito, nakipag-ugnayan umano ang Speaker’s office sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ni Secretary Rex Gatchalian upang maipalabas ang ₱10 milyong halaga ng tulong sa bawat distrito sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng ahensya.

"We expect this assistance from the DSWD, along with our humble contribution, to ease the worries that our kababayans in Albay may have for the immediate future. Nakahanda po kaming tumugon sa mga pangangailangan ninyo, kahit na magtagal ang kalamidad na ito," ani Romualdez.

Bago ang Linggo ng madaling araw, daan-daang boluntaryo ang pumunta sa PureGold-Embarkadero sa Legazpi, Albay upang mag-repack at maghanda ng mga relief goods para sa mga lumikas na pamilya. Humigit-kumulang 1,420 relief packs para sa bawat distrito ang inihanda para sa pamamahagi.

Ayon sa House leader, ibibigay ang ₱500,000 cash assistance sa bawat isa sa tatlong distrito sa Lunes. Malapit na umanong ipamahagi ang mga relief pack.

Ang Tingog Party-list ay kinakatawan sa Kamara nina Rep. Yedda Marie Romualdez, Committee on Accounts chairperson, at Jude Acidre, deputy majority leader.

Matatagpuan ang Bulkang Mayon ay matatagpuan sa Legazpi, Albay. Huli itong sumabog noong 2018.

Ellson Quismorio