Kumakaway na sa mga lotto bettor ang tumataginting na ₱233 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na puwedeng mapanalunan ngayong Linggo, Hunyo 11.

Sa inilabas na jackpot estimates ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado, papalo na sa mahigit ₱233 milyon ang jackpot prize ng 6/58. 

"Kung papalaring makamit ang milyun-milyong jackpot namin, ano kaya ang iyong gagawin?" saad ng PCSO.

Bukod sa ₱233 milyon, may tiyansa ring mauwi ng lotto bettor ang ₱15.8 milyon ng Super Lotto 6/49.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Ano pang hinihintay n'yo? Punta na sa pinakamalapit na lotto outlet at tumaya na! 

Ang Ultra Lotto 6/58 at Super Lotto 6/49 ay parehong binobola tuwing Martes, Biyernes, at Linggo.

May be an image of 1 person and text that says 'PANGULO JACKPOT ESTIMATES SUNDAY, JUNE 11, 2023 WT ULTRA LOTT06/58 233 MILLION 18+ NATIONWIDE 15.8 SUPER LOTTO /49 MILLION'