Binira ng social media personality at negosyanteng si Rendon Labador ang Kapuso actor at isa sa mga bagong host ng "Eat Bulaga na si Paolo Contis, kaugnay ng pagpayag umano nitong mamigay ng pa-premyo sa nabanggit na noontime show, subalit hindi raw nagbibigay ng sustento sa kaniyang mga anak.

Si Paolo ay parehong may mga anak sa kaniyang mga dating karelasyong sina Lian Paz at LJ Reyes.

"Anong klaseng pagkatao mayroon si Paolo Contis at natitiis niyang magbigay ng pa-premyo sa taong bayan habang nagugutom ang mga anak? Patigasan na lang ng mukha bro? Alam kong nakakatawa ka, pero huwag mo namang gawing nakakatawa pati buhay mo," ani Rendon sa kaniyang Facebook post.

Sa isang Facebook video ay muling iginiit ni Rendon ang tungkol sa pagbibigay ng sustento ni Paolo sa kaniyang mga anak.

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

"Bakit mo natitiis ang mga anak mo, samantalang pahost-host ka diyan akala mo nakakatawa ka, hindi ka nakakatawa!" bira ni Rendon.

Matatandaang kamakailan, napaulat na sinabi mismo ni Lian na nagtatanong na raw ang mga anak nila ni Paolo kung kailan mawawala ang apelyidong "Contis" sa kanila.

MAKI-BALITA: Mga anak ni Lian Paz bet ipadispatsa apelyido ni Paolo Contis sa pangalan nila?

Naging masaya naman ang lahat para kay LJ dahil sa engagement nito sa bagong pag-ibig at non-showbiz boyfriend na si Philip Evangelista.

MAKI-BALITA: Hugot ng netizens kay LJ: ‘You will never meet the right man if you stay with the wrong one!’

Maging ang mga netizen ay inokray na rin si Paolo nang malamang isa siya sa mga bagong host ng Eat Bulaga.

MAKI-BALITA: Paolo Contis naokray na naman: ‘Mamimigay ng papremyo, hindi ng sustento’

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Paolo tungkol dito.