Isa rin ang anak ng talent manager na si Ogie Diaz sa mga grumaduate ngayong taon. Kaya naman hindi nito napigilang maging emosyonal lalo't hindi biro ang pinagdaanan ng kaniyang 6-anyos na anak na si Meerah.

Sa isang Facebook post nitong Sabado, binalikan ni Ogie ang mga pinagdaanan nila nang mag-agaw-buhay si Meerah.

"Dear Meerah

Hanggang ngayon, di pa din makapaniwala ang daddy. Akala ko talaga, kukunin ka na sa amin kasi nga, agaw-buhay ka na noon. 4 months kang naka-incubator, daming nakasaksak sa katawan mo para umandar ang lahat ng vital organs mo," kuwento ng talent manager.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"Ang gastos. Suka ka everyday ng pera. Actually, tandang-tanda ko pa that time, muntik akong mag-callboy dahil 30k per day ka sa incubator, buti na lang, naalala ko, bading pala si daddy, di papasang callboy. Hahaha!" dagdag pa niya.

Pinasalamatan niya si Meerah dahil sa pagiging matapang nito. Bukod dito, inacknowledge rin niya ang katapangan ng kaniyang misis na si Georgette o Mommy Sowl-- at ibinahagi rin niya ang journey nito sa panganganak kay Meerah.

"Thank you, anak, at lumaban ka. Di ka sumuko. Ang tapang mo. Mas matapang ka sa daddy mo. Pero may pinakamatapang sa journey mo — si Mommy Sowl. Dahil siya talaga ang bayani ng buhay mo," anang talent manager.

"13 days sa labor room, complete bed rest para umabot ka man lang ng 6 months sa tiyan niya bago ka isilang. At yun na nga, 625 grams ka lang, pero tingnan mo ang bait talaga ng Diyos, o! Six years old ka na!

"Pagbutihin mo, anak, ang pag-aaral hanggang sa makatapos ka sa kolehiyo. Dahil alam ko, ikaw ang mag-aahon sa amin sa kahirapan. Charot. I love you, my bunso!"

Si Ogie at Georgette ay may limang anak na babae.