Pumalag si Maine Mendoza sa lumabas na ulat ng isang pahayagan, na mapapanood sa "Eat Bulaga" ng TVJ sa TV5 ang kasal nila ng fiancé na si Kapamilya actor-politician Arjo Atayde.

Sa kaniyang Twitter account, umaga ng Sabado, Hunyo 10, niretweet ni Maine ang naturang ulat at pinabulaanan ito.

"Huh? This is not true and the article is misleading. Not sure if clickbait done on purpose or comprehension is just (crying emoji) i am the last person to publicize a personal affair," ani Maine na kilala sa pagiging pribadong tao kahit nasa showbiz.

Dagdag pa niya, "Kakaloka din how some netizens would simply believe what they see on the Internet 🥲 Kailan ba mauuso ang fact-checking?!"

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Screenshot mula sa Twitter ni Maine Mendoza

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Thanks M for clarifying!"

"When i first read it, I don’t think Maine & Arjo want their wedding to publicize. Tingin ko they value their privacy. Saan nakuha ng (pangalan ng pahayagan) ito?"

"Yeeees. I know gusto mo ng private. Kaya kaduda-duda talaga na may lumabas na ganyan news."

"Exactly! Nagulat ako sa news na 'yan."

Samantala, mukhang nakarating na sa kaalaman ng pahayagan ang paninita ni Maine at burado na ang naturang artikulo.

Hulyo 29, 2022 nang ihayag ni Maine sa kaniyang Instagram post na engaged na sila ni Arjo.

MAKI-BALITA: Arjo Atayde, Maine Mendoza, engaged na!

Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa talagang tiyak na petsa, lugar o kahit na anumang detalye kung kailan nga ba ang kasal ng dalawa.