Nadiskubre ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang bagong lava dome sa bunganga ng Bulkang Mayon nitong Sabado.

Sa litratong kuha sa Mayon Volcano Observatory dakong 5:45 ng madaling araw at isinapubliko ng Phivolcs nitong Hunyo 10, kitang-kita ang nakaumbok na lava dome sa crater.

Paliwanag ng Phivolcs, dati na ang nasabing lava dome kung saan nagmula ang mga batong rumagasa sa palibot ng bulkan nitong unang linggo ng Hunyo.

Sa latest observation period ng Phivolcs, umabot na lamang sa 59 rockfall events ang naitala sa Mayon.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nasa 579 na ang kabuuang rockfall events simula Hunyo 1 ng taon.

Nauna nang binalaan ng Phivolcs ang publiko sa posibilidad na magkaroon ng mapanganib na pagsabog

ng bulkan sa mga susunod na araw dahil na rin sa tumitinding pag-aalburoto nito.

Kamakailan, iniutos ng provincial government ng Albay na ipatupad ang mandatory evacuation sa mga nasasaklawan ng 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) na maaapektuhan sakaling sumabog ang bulkan na isinailalim sa Alert Level 3 status.

Kabilang sa sakop ng PDZ ang Bacacay, Camalig, Daraga, Guinobatan, Malilipot, Santo Domingo, Legazpi, Ligao, at Tabaco.