Nagpahayag ang CEO/Founder ng isang beauty product na si Miss Glenda Victorio ng kaniyang pagmamahal sa kaibigan at aktres na si Andrea Brillantes nitong Biyernes, Hunyo 9.

Sa kaniyang Instagram post, nag-share si Glenda ng tatlong larawan kung saan magkasama silang dalawa ni Andrea.

“We love you since day 1 @blythe! 💎♥️ #PINAKAMAKINANG ✨,” saad ni Glenda sa kaniyang post.

Si Andrea ang main endorser ng Brilliant Skin Essentials kung saan tumatayong CEO at founder si Glenda.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, trending ngayon si Andrea matapos ang umano’y hiwalayan nila ng basketball player na si Ricci Rivero. 

MAKI-BALITA: Ricci at Andrea, hiwalay na? Ricci, may pasabog na tweet