Magandang balita para sa mga train commuters dahil pagkakalooban sila ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2) ng libreng sakay sa Lunes, Hunyo 12, Araw ng Kalayaan.

Ito'y bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-125 taon ng Araw ng Kalayaan ng bansa.

Sa abiso ng mga pamunuan ng LRT-1 at LRT-2, nabatid na maaaring i-avail ang libreng sakay mula 7:00AM hanggang 9:00AM at mula 5:00PM hanggang 7:00PM.

"GOOD NEWS, mga ka-riles! Bilang pagdiriwang ng ika-125 taon ng Araw ng Kalayaan, magkakaroon ng LIBRENG SAKAY para sa mga #LRT1 passengers sa darating na ika-12 ng Hunyo 2023 (Lunes) mula 7:00am – 9:00am at 5:00pm – 7:00pm," abiso ng LRT-1, na pinangangasiwaan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC).

"Tara tren na! Ingat po sa biyahe!"

'We will comply!' SILG Remulla, kikilos na sa pag-aresto kay Sen. Bato

"Bilang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Lunes, June 12, ihahandog ng LRTAbang libreng sakay para sa lahat ng pasahero sa mga sumusunod na oras:

7:00 AM - 9:00 AM

5:00 PM - 7:00 PM," ayon naman sa LRT-2, na pinangangasiwaan ng Light Rail Transit Authority (LRTA).