Pumalag ang fans ng "Voltes V Legacy" sa trending at pinag-uusapang maiinit na eksena nina Joshua Garcia at Gabbi Garcia sa "Unbreak My Heart," na kauna-unahang kolaborasyon ng GMA Network, ABS-CBN-Dreamscape Entertainment, at Viu Philippines.

MAKI-BALITA: ‘Magtira ka naman kay Khalil!’ Joshua halos mukbangin si Gabbi

Matatandaang bago pa pag-usapan ang tila "pagmukbang" ni Joshua kay Gabbi sa isang eksena nila habang nagmamasa ng harinang gagawing tinapay ang karakter ng huli, una munang nasita ng netizens ang "bed scene" nina Prince Zardoz at Zandra sa robotseryeng "Voltes V Legacy" na ginagampanan nina Martin Del Rosario at Liezel Lopez.

Pumalag ang ilang Voltes V fans dahil wala naman daw sa original anime version ang bed scene na iyon, kaya kinukuha nila ang atensyon ng GMA maging ng headwriter nitong si Suzette Doctolero.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kumalat tuloy ang isang meme kung saan tila 'nagagalit' ang anime character ni Prince Zardoz dahil sa eksenang iyon sa bersyon mga Pinoy.

“Mga walang hiya. Bakit ako may bed scene?” kunwari ay sabi ni Prince Zardoz.

MAKI-BALITA: ‘Ibang volt in na raw?’ Voltes V, VOLdyak sa netizens dahil sa ‘bed scene’

Ngunit nang lumabas na nga ang eksena nina Joshua at Gabbi, "mas malala" pa raw ito kung ikukumpara sa eksena nina Martin at Liezel na wala naman silang ginawa kundi nakahiga lang sa kama.

"Dito sa laplapan na 'to tuwang-tuwa. Pero doon sa bed scene ng Voltes 5 kahit di naman pinakitang may nangyari nagkatabi lang g na g kayo..."

"Napaka-ipokrito n'yo... todo-batikos kayo sa Voltes V pero dito tuwang-tuwa pa kayo at bet pa ninyong matikman si Joshua."

"Bakit dito daming natutuwa, bakit sa Voltes V na nagtabi lang naman sa kama eh halos durugin n'yo na yung show?" The duality ng personality ng mga PInoy!"

Katwiran naman ng ilang fans, sa original Voltes V naman daw ay wala naman talagang ganoong ganap, hindi kagaya sa Unbreak My Heart na pang-mature series talaga at original.