Nawindang ang fans ni Kapamilya star Joshua Garcia sa maiinit na eksena nila ng Kapuso star na si Gabbi Garcia, sa kanilang seryeng "Unbreak My Heart."

Paano naman kasi, hindi na lang "higop malala" ang ginawa ni Joshua kundi halos lamutakin at mukbangin na niya si Gabbi sa leeg at balikat nito.

Napapaisip tuloy ang mga netizen kung ano kaya ang nararamdaman ngayon ng real-life boyfriend ni Gabbi na si Kapuso actor Khalil Ramos, matapos mapanood ang mga eksena ng jowa kay "Higop King." Ang tanong, pinanood ba niya?

MAKI-BALITA: ‘Magtira ka naman kay Khalil!’ Joshua halos mukbangin si Gabbi

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Anyway, komento ng karamihan sa mga netizen ay "road to Vivamax" na raw si Joshua dahil sa galing niyang romomansa on-screen.

Ang Vivamax ay online streaming app ng VIVA kung saan mapapanood ang ilang R-18 at sexy online movies nila.

"Road to Vivamax na si Juswaaaa hahaha."

"Puwede na sa Vivamax hahaha."

"Petisyon na mapanood si Joshua sa Vivamax kayang-kaya makipagsabayan."

"Ang suwerte naman ng magiging tunay na jowa ni Joshua, magaling sa kama hahaha."

"Joshua 'Mukbang king' Garcia"

"Vivamax, kunin 'nyo na 'to hahahaha."

Samantala, ilang fans naman ang bet "magpahigop" kay Joshua.

"Sana kami rin hahaha."

'Joshua kami rin magtira ka naman!"

"Paranas!"