Viral na ang Facebook post ng isang netizen na nagngangalang "LeoBrando Manlapaz" matapos niyang akusahan ang bagong Eat Bulaga host na si Buboy Villar, na ang tinawag nilang contestant sa segment na "Ang Pinaka" ay tauhan o kilala nito.

Mababasa sa viral social media post ngayong Miyerkules, Hunyo 8, "Eat Bulagta... Contestant n'yo kunyari napili or talagang kasama scripted na..."

"Papremyo n'yo di naman tunay na makukuha ng mga pipila at magtyatyga sa labas."

"Pinagloloko n'yo mga manonood ahiiiiii."

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

"Si lelet ay tauhan ni buboy sa kanyang paresan.."

"Pasensya na matalas memorya ko sa mga past na napanood or nakita ko..."

"Sorry TVJ solid here," anang netizen.

Image capture mula sa FB ni LeoBrando Manlapaz

Umabot na sa 6.8k reactions, 4k shares, at 276 comments ang naturang FB post.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Buboy o ang Eat Bulaga management tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.